Aba ay sikat na naman pala ano?

Habang isinusubo ka ang bubutil butil na kanin na akin pang ininot inot na pulutin sa palayang bagong anihan, ay napakinggan ko sa radyo ng kapitbahay kong mas bingi pa sa akin ang mga balitang kaganapan ngay-on.

Sikat na sikat na naman tayong mga pilipino ano? sa buong mundo ay nakilala na naman ang ating bayan. Biruin mo ba naman ano, ay tayo pala ang bansang may pinakamagandang paliparan sa buong mundo. Pinakamagandang murahin dahil sa kabulukan ng mga namamahala nito.. susme mga damuho kayo, ay puro kulimbat lamang ba sa bag ng ating mga bagong bayani di umano ayon kay mareng cory ang inyong pinaggagawa. Hindi ba ninyo alam na ang ating paliparan ang mukha ng ating bayan na syang bumubungad at humaharap sa mga byaherong mamayan, turista at mga balkibayan nating kababayan. Ay kung ganyan ang lalabas na balita. Ay anong mukha ba ang ihaharap natin ngayon ha? Aba ay tutok na mga damuho.

Teka, abay hindi laang pala iyan. Tayo na. Tayo na sa buong asya ang may pinakamataas na singil ng kuryente. Bwakananginangyan. May liwanag ang buhay ninyo ano, eh samantalang ang inyong pinagseserbisyuhan ay binibigyan nyo naman ng kadiliman. Biruin mo ba namang tila isang punong makulimlim ang bill na aming babayaran sa inyo ano.. isang punong tumatakip sa liwanag ng buwan na sya na lamang naming tanglaw.. mga damuho kayo..

Ayaw ko na sanang mag sisigaw dito sa aking kubo, pero akoy hindi makapagpigil eh.. lintik na radyo yan at ang lakas ba naman ay dinig na dinig dine..

Advertisements
Tagged

SA ENTABLADO

Eleksyon 2011, ilang kandidato na din ang dumaan dito sa aming baryo. Mga damuhong pulitiko na nangangako na naman at nanliligaw sa aming isang boto. Aba eh ano ba’t napakaswerte ko naman ng mismong ang kandidatong presindente si Penoy ang nagawi at nangapanya dito. Hala lagot sya sa akin hehehe.

Nandun sa entablado at ngawa ng ngawa doon kasama pa ang kanyang maharot na utol. Talaga naman. Malaan ko lamang kung anong isasagot sya sa akin pag ako ang nagtanong.

Aba akalain mo nga naman, naghahanap ng isang magboboluntaryong kanyang makakasagutan sa ibabaw ng entablado. At ano ba itong naririnig ko, “Mang Igme.. Mang Igme… Mang Igme..” ang hiyawan ng aking kababaryo.

Kaya’t akoy pumaroon..

“Magandang gabi po Manong.. Kayo po ay si Mang Igme ayon sa ating kababayan. Tila yata kayo ay sikat sa lugar na ito”

“Aba’y iho ako nga si Mang Igme, ang kalaban ng mga damuho dito hehehe”

“Ikinalulugod ko po kayong makilala Mang Igme, Ako ho si Penoy, ang inyong tagapanglingkod”

“Teka Ginoo, tagapaglingkod ba kamo? Aba’y sigurado ka ba? Eh nasa kampanya ka pa nga lamang eh, himig pagkapanalo na ang lumalabas sayo. Aba’y iho, wag kang gagaya doon sa pandak ha?”

“Hahaha.. Mang Igme, hindi naman po sa himig ng ako’y mananalo na. Ang nais ko lang po ang maglingkod sa inyo.”

“Sige iho, sabihin mo nga sakin. Paano mo ko mapapaglingkuran?”

“Kung tayo ho ay papalaring manalo sa labang ito. Gagawin ko po ang lahat para sa ating ikauunlad?”

“Eh iho, nasa kampanya pa lang tayo. Ako ba ay kilala mo?”

“Kayo ho ay si Mang Igme?”

“Ay oo ako nga, kung ganon ay pangalan ko lang pala ang kilala mo? Sa dami ng tao at may kanikanyang pangalan, sila bay matatandaan mo?”

“Imposible ho Mang Igme”

“Kung ganon, ako’y ay hindi mo kilala, nangangampanya ka para kanino? Sa hindi mo kilala? Aba ay bakit ka pa papasok sa ganyan. Kung hindi mo ko kilala, pihadong hindi mo din alam ang iyong gagawin pag nagtagumpay ka. Kilala ko ang iyong mga magulang. Kilala ko ang iyong kapatid. Kilala ko ang iyong mga kamag anak. Pero ako hindi mo kilala.. Damuho ka.”

Tagged

Pambungad na bati..

Sa lahat ng mga damuho diyan, narine na ang inyong makakalaban. Ang walang alam kundi kalokohan.. kalokohan ninyong mga damuho kayo. Hala, hinding hindi ko kayo tatantanan.

Mang Igme, ang damuho ng bayan… 🙂

Tagged

Hello world!

Welcome to WordPress.com. After you read this, you should delete and write your own post, with a new title above. Or hit Add New on the left (of the admin dashboard) to start a fresh post.

Here are some suggestions for your first post.

  1. You can find new ideas for what to blog about by reading the Daily Post.
  2. Add PressThis to your browser. It creates a new blog post for you about any interesting  page you read on the web.
  3. Make some changes to this page, and then hit preview on the right. You can always preview any post or edit it before you share it to the world.